Ang
unggoy ay isang primado ng suborden na
Haplorrhini at impraorden na
simian na isang
Lumang Daigdig na unggoy o isang
Bagong Daigdig na unggoy ngunit hindi kasama ang mga
bakulaw. Sa kasalukuyan ay may mga 260 alam na nabubuhay na species ng unggoy. Ang marami sa mga ito ay nakatira sa mga puno bagaman may ilang species ng unggoy na pangunahing nakatira sa lupain gaya ng mga
baboon. Ang mga unggoy ay pangkalahatang itinuturing na matalino. Hindi tulad ng mga
bakulaw na walang buntot, ang mga unggoy ay karaniwang may buntot. Ang mga walang buntot na unggoy ay hindi tamang tinawag na mga "bakulaw" o "ape" gaya ng mga walang buntot na Barbary macaque na tinatawag na "Barbary ape". Ang mga
Bagong Daigdig na unggoy (superpamilyang Ceboidea) ay inuuri sa loob ng pavorden na
Platyrrhini samantalang ang mga
Lumang Daigdig na unggoy (superpamilyang Cercopithecoidea) ay bahagi ng pavorden na
Catarrhini na kinabibilangan ng mga
hominoid na kinabibilangan ng mga tao. Dahil ang Lumang Daigdig na unggoy ay mas malapit sa mga
hominoid kesa sa mga
Bagong Daigdig na unggoy, ang mga unggoy ay hindi isang unitaryong (monophyletic) pangkat.