Ang
tunog ay isang naglalakbay na
alon o pagaspas, na isang osilasyon o pagpapabalik-balik ng presyong pinadaraan o dumaraan sa isang solido,
likido, o
gas, at binubuo ng mga kadalasan o pagpapaulit-ulit sa loob ng nasasakupan ng pandinig at may sapat na antas ng lakas upang marinig, o ang sensasyon o pag-igting na nagpapasigla sa mga organo ng pandinig dahil sa ganitong mga pagyanig o bibrasyon. Kasingkahulugan o may kaugnayan ito sa mga salitang:
pagukpok,
haguthot,
kugkog,
kaluskos,
kalatis,
hagutak (ang tunog ng paglalakad sa
putik),
hagunghong (tunog ng rumaragasang
tubig),
lagunlong (tunog ng tagaktak ng isang
talon),
ingay,
dagundong, at
alingayngay.