Ang
bahay o
tahanan, sa kaniyang pinaka-pangkalahatang kamalayan, ay isang kayarian o istrukturang gawa ng
tao, at isang
tirahan na napapalibutan ng mga
dinding at may
bubong. Nagbibigay ito ng kanlungan sa isang nilalang laban sa presipitasyon,
hangin, init,
lamig, at mga tao o hayop na ibig pumasok na walang pahintulot. Kapag ginagamit bilang isang kinagawiang tirahan para sa mga bisiro, tinatawag na
tahanan ang isang
bahay (bagaman kadalasang tumitira sa loob ng bahay ang mga hayop, mga alaga man o hindi katulad ng mga dagang naninirahan sa loob ng mga dinding). Maaaring wala sa tahanan ang mga tao, sa halos buong araw, upang
magtrabaho at
maglibang, ngunit karaniwang umuuwi sila sa bahay para mamahinga, kumain at
matulog.