Ang
tinapay ay isang
pagkain na ginagawa sa pamamagitan ng paghurno ng isang masa ng
harina at
tubig. Maaaring may pampaalsa ito o wala. Ilan sa mga karaniwang sangkap ang
asin, taba at isang pampaalsa katulad ng
lebadura, bagaman, maaring maglaman ito ng iba pang mga sangkap:
gatas,
itlog,
asukal, pampalasa,
prutas (katulad ng
pasas),
gulay (katulad ng
sibuyas), mga pili (katulad ng
nuwes de nogal o
wolnat) o mga buto (katulad ng mga buto ng amapola). Isa ang tinapay sa mga pinakamatandang hinahaing pagkain, tinatayang mayroon na ito noong panahon ng Neolitiko. Marahil na ang pagbuo ng tinapay na may lebadura ay mababakas bago pa ang
kasaysayan.