Ang
tenga o
tainga (Ingles:
ear o
ears) ang organong
pandama na ginagamit sa pagdinig ng mga
tunog. May pagkakapareho sa kanilang
biolohiya ang mga
bertebrado, mula sa mga
isda hanggang sa mga
tao, na may pagkakaiba lamang sa istraktura ng tenga ayon sa
sari at
uri. Gumaganap lamang na tagatanggap ng tunog ang tenga, subalit mayroon ding ginagampanan sa pandamang panimbang at posisyon ng katawan. Bahagi
sistemang auditoryo ang tainga. Tumutukoy ang
pang-uring aural (huwag ikalito sa salitang
aura) sa lahat ng bagay na may kaugnayan sa tainga.