Ang
sikoterapiya ay ang sinasadya o intensiyonal na pagkakaugnayang interpersonal o pakikisalamuha ng mga tao na ginagamit na mga may pagsasanay na mga
sikoterapista upang matulungan ang isang kliyente o pasyente hinggil sa mga suliranin sa pamumuhay. May layunin itong makapagpataas ng kainamang pangtao o kalusugan ng isang indibidwal. Gumagamit ang mga sikoterapista ng maraming mga kasakop na mga tekniko o pamamaraan batay sa pagtatatag ng pangkaranasang pakikipag-ugnayan, diyalogo, komunikasyon o pakikipagtalastasan, at pagbabago ng kaasalan o ugali, na idinisenyo upang mapabuti o mapainam ang kalusugang pangkaisipan ng isang kliyente, o upang mapabuti ang relasyon ng isang pangkat, katulad ng sa
mag-anak. Maaaring isagawa ang sikoterapiya ng isang bilang sari-saring taong may mga kuwalipikasyon, kabilang ang mga
sikolohista (o
sikologo), mga terapista sa kasal at ng mag-anak, mga terapistang okupasyonal, mga lisensiyadong klinikal na manggagawang pangsosyal o panglipunan, mga konselor, mga sikiyatrikong nars, mga sikoanalista, at mga
sikiyatrista.