Ang
sigwasan o
mekanika (
Griyego ) ay isang sangay ng
pisikang nakatuon sa ugali o gawi ng mga katawang pisikal kapag iniharap na sa mga
puwersa o pagbabago sa kinalalagyan (
displacement sa Ingles) ng bektor, at kinalalabasang mga epekto ng mga katawan sa kanilang kapaligiran. Ang disiplina ay nag-ugat mula sa ilang sinaunang mga kabihasnan (tingnan ang Kasaysayan ng klasikong mekanika at Guhit-panahon ng klasikong mekanika). Noong panahon ng maagang makabagong panahon, ang mga siyentipikong sina
Galileo Galilei,
Johannes Kepler, at natatangi na si
Isaac Newton, ang naglatag na pundasyon ng tinatawag na sa ngayon bilang
klasikong mekanika.