Ang
sibuyas (Ingles:
onion, Kastila:
cebolla) ay isang uri ng
halamang gulay na ginagamit sa pagluluto. Nakakasanhi ng
luha ang bunga nito kapag hinihiwa kung hindi nahugasan. Tinatawag na sibuyas ang anumang maraming mga halamang nasa saring
Allium. Bagaman kilala ng mga ito bilang
sibuyas sa pangkaraniwan katawagan, kalimitan itong tumutukoy sa
Allium cepa, ang "sibuyas mula sa hardin o halaman." Kilala lamang ang
Allium cepa sa larangan ng pagtatanim, subalit mayroon ding mga likas na uri matatagpuan sa Gitnang Asya. Kabilang sa mga pinakamalapit na mga uri ang
Allium vavilovii Popov & Vved. at ang
Allium asarense R.M. Fritsch & Matin mula sa
Iran. Subalit nagbigay ng babala sina Zohary at Hopf na "mayroong pagaalangan kung ang kalipunan
vavilovii sinuri ay kumakatawan sa tunay na materyal na ilang o mga ligaw o naging mailap lamang na halaw din lamang mula sa mga itinatanim."