Ang
angkak o
sereales ay mga butil o halaman na karaniwang itinatanim, inaalagaan, at inaani para sa kanilang nakakaing mga bungang buto. Sa
botanika, tinatawag itong mga bunga o "
prutas" na pinangalanang karyopsis (o
caryopsis). Sa kasalukuyang panahon, mas maramihan na ang pagtatanim ng mga angkak at nakapagbibigay ng enerhiyang pangkatawan at pangkalusugan sa buong mundo kaysa iba pang mga pananim. Samakatuwid, kasama sila sa mga pangunahing pagkain ng tao at hayop. Mapagkukunan sila ng mga karbohaydreyts. Sa ilang mga
umuunlad na mga bansa, ang mga angkak ang halos bumubuo sa mga pang-araw-araw na inihahaing pagkain (agahan, tanghalian, meryenda at hapunan). Sa mga
mauunlad na mga bansa, mas banayad at sari-sari ang pagkonsumo ngunit itinuturing pa ring mahalagang bahagi ng diyeta. Kabilang sa mga angkak ang mga halaman at bungang butil na nagmumula sa mga
trigo,
palay (
bigas),
obena, at iba pang katulad. Tinatawag ding
sebada at
senteno ang mga angkak. Kabilang din sa mga uri o produktong nagmula sa mga angkak ang mga otmil, ipa, darak, at ang mga
lugaw na katulad ng
tsamporado at mga katulad. Tinatawag na mga
angkak na pang-agahan o
sereales na pang-almusal ang mga angkak na kinakain tuwing oras ng pag-a
agahan.