Sa
biyolohiya, ang
selula o
sihay (na sa Ingles ay tinatawag na
cell) ay ang pinakapayak na kayarian ng mga buhay na
organismo. Ito ang pinakamaliit na unit ng buhay na inuuri bilang isang buhay na bagay at karaniwang tiantawag na mga blokeng pangtayo ng buhay. Ang mga organismo ay maaaring uriin bilang uniselular na binubuo lamang ng isang selula gaya ng
bacteria at multiselular na binubuo ng maraming mga selula gaya ng mga
halaman at
hayop. Ang
tao ay naglalaman ng mga 100 trilyong selula. Ang isang tipikal na selula ay may sukat 10 µm at ang tipikal na
masa(mass) ay 1 nanogramo. Ang pinakasukdulang mga selula sa tao ay:
- ang pinakamalaking selula ang anterior na sungay sa espinal na kordo na may sukat na 135 µ
- ang pinakamahabang selula ang mga pseudounipolar na mga selula na umaabot mula sa daliri ng paa patungo sa mababang sanga ng utak
- ang pinakamaliit na selula ang selulang granula (granule cells) sa cerebellum na may sukat na 4 µ.
- ang pinakamalaking alam na selula ang mga hindi napupunlay(fertlized) na mga selulang itlog ng ostrich.