Ang
sebada (Ingles:
barley) ay isang uri ng butil o
angkak (mga
sereales) na nagmumula sa halaman o taunang damong
Hordeum vulgare. Pangunahing itong ginagamit na halaman o pananim na pagkain para sa mga hayop, ang mas kaunting bilang ay nagagamit para sa pagmamalto (
malting sa Ingles) ng
serbesa at wiski (ang
whiskey). Ginagamit din ito para sa paghahanda ng mga pagkaing pampalusog. Noong 2007, inihanay ang sebada bilang pang-apat na pinakamaraming nagawang produkto (136 milyong mga tonelada) at sa area ng kultibasyon (566,000 km²). Kasama ng
trigo, isa ang sebada sa pinagmumulan ng mga
pampaalsang ginagamit sa pagluluto ng
tinapay.