Sa
astronomiya, ang
uniberso o
sansinukob (Ingles:
universe) ay karaniwang inilalarawan bilang kabuuan ng pag-iral kabilang ang mga
planeta, mga
bituin, mga
galaksiya, mga nilalaman ng intergalaktikong kalawakan, at lahat ng
materya at
enerhiya. Ag mga parehong termino nito ay kinabibilangan ng
cosmos at kalikasan. Ito ay napakalaki kaya't sinusukat ng mga
siyentipiko sa pamamagitan ng
bilyun-
bilyong mga
taong-liwanag na layo ng paglalakbay ng
liwanag sa loob ng isang
taon. Ang pinakamalayong distansiya na teoretikong posible na makita ng mga tao ay inilalarawan bilang mapagmamasdang uniberso. Ang mga obserbasyon ay nagpapakitang ang uniberso ay lumalawak sa papabilis na rate. Ang mapapagmasdang bahagi ng uniberso ay mga 93 bilyong
sinag-taon sa
diametro. Ang mga obserbasyong ito ay nagmumungkahing ang uniberso ay pinangangasiwaan ng parehong mga batas pisikal at konstante sa buong halos saklaw at kasaysayan nito.