Ang
tao (
Homo sapiens) ay isang
primado ng pamilyang
Hominidae, at ang tanging nabubuhay na espesye ng henus na
Homo. Ang mga tao ay nagmula sa
Aprika kung saan ang mga ito ay umabot sa
pagiging moderno sa anatomiya nito mga 200,000 taon ang nakalilipas at nagsimulang magpakita ng buong pagiging moderno sa pag-aasal mga 50,000 taon ang nakalilipas. Ang lipi ng tao ay nag-
na diberhente mula sa huling karaniwang ninuno kasama ng pinaka-malapit na nabubuhay nitong kamag-anak na
chimpanzee mga limang milyong taon ang nakalilipas na nag-
ebolb sa
Australopithecines at kalaunan ay sa henus
Homo. Ang unang espesyeng
Homo na lumisan sa
Aprika ang
Homo erectus na
uring Aprikano na kasama ng
Homo heidelbergensis ay itinuturing na agarang ninuno ng mga modernong tao. Nagpatuloy na sakupin o ikolonisa ng mga
Homo sapiens ang mga kontinente na dumating sa
Eurasya noong 125,000 hanggang 60,000 taon ang nakalilipas, sa
Australia noong mga 40,000 taon ang nakalilipas, sa
Amerika mga 15,000 taon ang nakalilipas at sa mga malalayong isla gaya ng
Hawaii, Easter Island,
Madagascar, at
New Zealand sa pagitan ng mga taong 300 CE at 1280 CE. Noong mga 12,000 taon ang nakalilipas, ang mga tao ay nagsimulang magsanay ng sedentaryong agrikultura na
domestikasyon ng mga
halaman at
hayop na pumayag para sa paglago ng
kabihasnan. Ang tao ay kalaunang nagtatag ng iba't ibang mga anyo ng
pamahalaan,
relihiyon at
kultura sa buong mundo na nagpaisa ng mga tao sa loob ng isang rehiyon at tumungo sa pagpapaunlad ng mga estado at
imperyo. Ang mabilis na pag-unlad ng pagkaunang pang-
agham at
medikal noong ika-19 at ika-20 siglo ay tumungo sa pagpapaunlad ng mga pinapatakbo ng gatong(fuel) na mga
teknolohiya at napabuting kalusugan na nagsanhi sa populasyon ng tao na tumaas ng
eksponensiyal. Sa pagkalat sa bawat kontinente maliban sa
Antarctica, ang mga tao ay isang kosmopolitanng espesye at sa 2012, ang populasyon ng daigdig ay tinatayang mga 7 bilyon. Ang mga tao ay inilalarawan sa pagkakaroon ng malaking
utak na relatibo sa sukat ng katawan nito na may isang partikular na mahusay na neokorteks, preprontal na korteks at
lobong temporal na gumagawa sa mga ito na may kakayahan sa pangangatwirang abstrakto, wika, instrospeksiyon, paglutas ng problema at kultura sa pamamagitan ng pagkatutong panlipunan. Ang kakayahang pang-isip na ito na sinamahan ng pag-aangkop sa lokomosyong bipedal na nagpapalaya sa mga kanya sa pagmamanipula ng mga bagay ay pumayag sa mga to na gumawa ng mas higit na paggamit ng kasangkapan kesa sa anumang mga ibang nabubuhay na espesye ng daigdig. Ang mga tao ang mga tanging nabubuhay na espesye ng hayop na alam na makagagawa ng apoy at pagluluto gayundin ang tanging mga espesyeng makapagdadamit sa kanilang at lumikha at gumamit ng maraming ibang mga teknolohiya at mga sining. Ang pag-aaral ng mga tao ang disiplinang pang-agham na
antropolohiya. Ang mga tao ay walang katulad na labis na may kasanayan sa paggamit ng mga sistema ng komunikasyong simboliko gaya ng wika para sa paghahayag ng sarli, ang pagpapalit ng mga ideya at organisasyon. Ang mga tao ay lumilikha ng mga komplikadong mga istrakturang panlipunan na binubuo ng maraming mga nakikipagtulungan at nakikipagtunggaling mga pangkat mula sa pamilya at ugnayang kamag-anak hanggang sa mga estado. Ang mga interaksiyong panlipunan sa pagitan ng mga tao ay naglatag ng isang sukdulang maluwag na uri ng mga halaga, mga asal panlipunan, at mga ritwal na ang magkakasamang ang bumubuo ng basehan ng lipunang pantao. Ang mga tao ay kilala sa pagnananis ng mga ito na maunawaan at maimpluwensiyahan ang kapaligiran nito na naghahangad na ipaliwag at imanipula ang phenomena sa pamamagitan ng
agham,
pilosopiya,
mitolohiya at
relihiyon.