Ang mga
Reptil (Ingles:
Reptile) ang mga kasapi ng klaseng
Reptilia na binubuo ng mga
amniota na mga hindi
ibon o
mamalya. Ang mga
amniota ang mga
bertebrata na may itlog na may
amnion na isang dobleng membrano na pumapayag sa
embryo na epektibong makahinga sa lupain. Ang mga nabubuhay na reptil ay maitatangi mula sa ibang mga
tetrapoda dahil ang mga ito ay may malamig na dugo gayundin ay may mga scute o mga kaliskis. Ang mga reptil ay lumitaw sa panahong
Karboniperoso mga 320 hanggang 310 milyong taon ang nakalilipas. Ang mga ito ay nag-
ebolb mula sa mas maunlad na
Reptiliomorpha (na mga
ampibyan na tulad ng mga reptil) na naging tumaas na umangkop sa buhay sa lupain. Mayroong maraming mga
ekstinkt o hindi na umiiral na pangkat ng reptil kabilang ang mga
dinosawro,
pterosauro at mga pangkat pang-tubig gay ang mga
ichthyosauro. Ang mga modernong reptil na nabubuhay sa kasalukuyan ay matatagpuan sa bawat kontinente ng daigdig maliban sa
Antartiko. Ang karamihan sa mga uri ng reptil ay nangingitlog pero may mga uri ng
squamata na nagsisilang ng buhay na supling. Nagagawa ito sa pamamagitan ng obobibiparidad (pagkupkop ng itlog sa katawan), o bibiparidad (pagsilang ng hindi gumagamit ng
kalsipikadong itlog). Marami sa mga bibiparong uri ay pinapakain ang kanilang mga
petus sa pamamagitan ng iba't ibang uri ng
plasenta na katulad sa mga mamalya at inaalagaan ang mga anak. Ang laki ng mga nabubuhay na reptil ay mula sa
Sphaerodactylus ariasae, na hanggang 1.6 cm (0.6 pulgada) hanggang sa
Crocodylus porosus na maaaring umabot sa 6 m ang haba at bigat na lumalampas sa 1,000 kg. Ang pag-aaral ng mga reptil ay tinatawag na
herpetolohiya. Ang apat na kasalukuyang nabubuhay na
orden nito ang: