Ang
puson o
tiyan (
Ingles:
abdomen) ay ang bahagi sa katawan ng tao na nakalagay sa pagitan ng
dibdib at ng mga
hita; o ang bahagi ng katawang nasa ibaba ng dibdib at nasa pagitan ng mga buto ng balakang. Ito ang kinapapalooban ng mga panloob na tiyan,
ureter, mga
bituka,
atay,
pali, panloob na bahagi ng
puwit,
pantog,
apdo,
sistemang pasuplingan sa labas ng mga
suso, at iba pang mga
laman-loob. Sa mga tao, at marami pang ibang mga
vertebrata, ito ang rehiyon sa pagitan ng
thorax at ng
balakang (ang
thoracic diaphragm o
makapal na litid sa pagitan ng tiyan at dibdib ang naghihiwalay sa
puwang na pang-torako at ng
puwang sa puson). Sa may tamang gulang na
insekto, ang puson ay ang pangatlo o likurang bahagi pagkaraan ng
ulo at thorax. Tinatawag na
buyon ang isang "malaking tiyan."