Ang
fungus, binabaybay ding
halamang singaw, (
Ingles:
fungus [isahan],
fungi [maramihan]) ay isang uri ng organismong nabubuhay na
hindi halaman o
hayop; hindi rin ito
protista, hindi
eubakterya, at hindi rin
arkebakterya. Dating iniisip ng mga tao na
halaman ang mga ito kaya't pinangalanan itong
halamang singaw. Tinutunaw ng mga halamang singaw ang mga patay na materya sa paligid nito para magsilbing pagkain nila. Hindi
lunti ang kulay ng mga ito. Hindi sila
namumulaklak at wala ring mga
dahon. Kabilang dito ang mga
kabuti. Sa larangan ng
panggagamot, isa itong malaking pangkat ng mga "halaman" na walang materya o bagay na pangkulay ng lunti na kinabibilangan ng mga kabuti, tagulamin, at
amag. Sa isang karamdamang dulot ng halamang-singaw, kinakailangang gamitan ng
mikroskopyo ang pagsusuri ng halamang-singaw sapagkat napakaliit ng mga ito upang makita ng mga mata.