Ang
propeta ay isang taong inaangking pinili ng Diyos upang maghatid ng mga
propesiya o hula sa mga tao. Sa
Tanakh at sa
Bibliya, tinatawag silang "mga tagapaglingkod" ng Diyos. Kung minsan, binibigyan sila ng Diyos ng isang mensaheng hinggil sa kung ano ang mangyayari sa hinaharap. May dalawang uri ng mga propeta: ang tunay o mga
totoong propeta at ang hindi tunay o mga
huwad na propeta. Palaging nagsasabi ang tunay na mga propeta na matapat ang Diyos sa kanyang mga pangako sa tao at nangangaral sa taong magtiwala at sundin ang Diyos, samantalang nagbibigay ang hindi tunay na mga propeta ng mga mensaheng hindi naman talaga nanggagaling mula sa Diyos.