Ang
propesyon ay isang bokasyon na naitatag sa isang espesyalisadong
pagsasanay na
pang-edukasyon, na ang layunin ay ang makapagbigay ng malayuning payo at paglilingkod sa ibang mga tao, para sa isang tuwiran at tiyak na kabayaran, na nakahiwalay nang buo magmula sa inaasahan ng ibang pagkakamit na pangnegosyo. Samantla, ang isang
propesyunal ay ang tao na binabayaran upang magsagawa ng isang espesyalisadong pangkat ng mga gawain at upang makumpleto ang mga ito para sa isang kabayaran. Ang tradisyunal na mga prupesyon ay kinabibilangan ng mga
manggagamot, mga
inhinyero, mga
manananggol, mga
arkitekto, at mga kumisyonadong opisyal ng militar. Sa kasalukuyan, ang kataga ay nilalapat din para sa mga
nars, mga
akawntant, mga
edukador, mga
siyentipiko, mga eksperto sa teknolohiya, mga
manggagawang panlipunan, mga artista ng sining, mga katiwala ng aklatan o biblyotekaryo (mga propesyunal sa impormasyon) at marami pang iba. Ginagamit din ito sa larangan ng
palakasan upang ipagkaiba ang mga manlalarong baguhan mula sa mga binabayaran, kaya't may tinatawag na putbolerong propesyunal at golper na propesyunal. Maraming mga kumpanya ang isinasama ang salitang propesyunal sa kanilang pangalan ng tindahan upang ipahiwatig ang kalidad ng kanilang serbisyo at kahusayan sa pagtatrabaho o gawain.