Ang
batong pinkian, tinatawag ding
batong pingkian,
pamantig, o
pamingki (Ingles:
flint o
flintstone) ay isang matigas na uri o anyo ng batong sedimentaryo at kriptokristalina ng kuwarts na
mineral, na kinategorya bilang isang uri ng tsert (mula sa Ingles na
chert). Pangunahing itong lumilitaw bilang mga nodula o buko at mga masa sa loob ng mga batong sedimentaryo, katulad ng
yeso at mga
apog. Sa loob ng buko, karaniwang maitim na abo, itim, lunti, puti, o kayumanggi ang kulay ng batong pingkian, at madalas na parang salamin o mapagkit ang anyo. Karaniwang iba ang kulay ng isang manipis na patong na nasa labas ng mga buko, pangkaraniwan nang puti, at magaspang ang tekstura. Mula sa pananaw na petrolohikal (pangpetrolohiya), may katiyakang tumutukoy ang "batong pingkian" sa isang anyo ng tsert na lumilitaw sa loob ng yeso o mabahid na apog. Gayundin, lumilitaw din sa loob ng apog ang "karaniwang tsert" (minsang tinatawag lamang na "tsert").