Sa
biyolohiya, ang
pilohenetika o
phylogenetics ang pag-aaral ng mga ugnayang
ebolusyonaryo ng mga pangkat ng mga organismo na natutuklasan sa pamamagitan ng mga datos na pagsisikwensiyang pang-molekula at mga datos na matriks na pang-
morpolohiya. Ang katagang ito ay hinango mula sa mga salitang Griyego na phylé (φυλή) at phylon (φῦλον), na tumutukoy sa "tribo", "angkan" o "lahi" at anyong pang-uri na genetikós (γενετικός) ng salitang genesis (γένεσις) na nangangahulugang "pinagmulan" o "kapanganakan". Ang resulta ng mga pag-aaral na pilohenetika ay hipotesis tungkol sa kasaysayang pang-
ebolusyon ng kanilang mga pangkat
taksonomiko: ang kanilang
piloheniya(phylogeny).