Ang
penotipo o
phenotype (from Greek
phainein, 'to show' +
typos, 'type') ang komposito ng mapagmamasdang mga katangian ng isang organismo gaya ng
morpolohiya, pag-unlad, mga katangiang biokemiko at pisiolohikal, penolohiya, pag-aasal at mga produkto ng katangian nito. Ang mga penotipo ay nagreresulta mula sa ekspresyon ng mga
gene ng organismo gayundin ang impluwensiya ng mga paktor na pangkapaligiran at mga interaksyon sa pagitan ng dalawang ito. Ang
henotipo ng isang organismo ang mga namanang instruksiyon na dala dala nito sa loob ng kodigong henetiko nito. Hindi lahat ng mga organismo na may parehong henotipo ay magkamukha o umaasal na magkatulad dahil ang hitsura at pag-aasal ay nababago ng mga kondisyong pangkapaligiran at pang-pag-unlad. Gayundin, hindi lahat ng mga organismo na magkamukha ay nangangailangang may parehong henotipo. Ang distinksiyong henotipo-penotipong ito ay iminungkahi ni Wilhelm Johannsen noong 1911 upang bigyan linaw ang pagkakaiba sa pagitan ng pagmamana ng organismo at kung ano ang nalilikha ng pagmamanang ito. Ang distinksiyon ay katulad ng iminungkahi ni August Weismann na nagtangi sa pagitan ng plasmang germ(pagmamana) at mga selulang somatiko(ang katawan). Ang konseptong henotipo-penotipo ay hindi dapat ikalito sa sentra lna dogma ng biolohiyang molekular ni
Francis Crick na isang pahayag tungkol sa direksiyonalidad ng sekwensiyal na impormasyong molekular na dumadaloy mula sa
DNA tungo sa protina at hindi ang kabaligtaran.