Ang
patutot (
Ingles:
whore,
harlot,
hooker, "
entertainer,"
prostitute) ay isang salitang may hindi mainam na kahulugan. Tumutukoy ito sa isang
babae, maaari ring
lalaki, na binabayaran o nagpapabayad para sa kapalit na serbisyong may kaugnayan sa
pakikipagtalik at
seksuwalidad ng mga
tao. Kasingkahulugan ito ng
prostituta (partikular para sa isang babaeng patutot),
prosti (pinaikling bersyon ng
prostituta),
masamang babae,
babaeng bayaran,
masamang lalaki, at
lalaking bayaran. Binabansagang din silang
kalapating mababa ang lipad,
puta (mula sa
Kastila), at ng mga
salitang balbal na
kokak,
burikit,
burikat,
japayuki,
GRO, at
donut [bigkas: do-nat]. Tumutukoy ang "burikit" sa isang patutot na naghahanap-buhay sa mga bahay-aliwan, bar, klab, bahay-diskuhan, at iba pang aliwang panggabi. Nagmula ang salitang "donut" mula sa Ingles na
doughnut. Isang walang-paggalang na katawagan naman ang "japayuki" (bigkas:
dya-pa-yu-ki) para sa isang
Pilipinang nagtatrabaho bilang tagapagbigay ng saya o panandaliang aliw, sumasayaw at kumakanta habang nasa
Hapon. Nag-ugat naman ang
GRO o
G.R.O. mula sa Ingles na
guest relations officer o
guest services officer, isang "tagapagpasinaya" ng mga "bisita" o
hostes. Dinaglat ito upang maging isang magalang at nagpapahiwatig na katawagan lamang para sa isang kilala at lantad na patutot.