Ang
parmakolohiya ay isang sangay ng panggagamot at isang
agham na tumatalakay sa mga gamot kabilang ang mga epekto, gamit, mga timpla, sangkap o komposisyon ng mga ito. Tinatawag na
parmakologo o
parmakolohista ang mga dalubhasa sa larangang ito. Tinaguriang
botika,
parmasiya, o
parmasya ang tindahan o pook na pinaghahandaan ng mga gamot. Ginagawa rin sa
tindahan ng gamot ang paghahanda, pagtitimpla at paglulunas sa pamamagitan ng mga gamot. Tinatawag namang
botikaryo,
parmasyotiko,
parmasyotika, o
parmasyotista ang mga taong dalubhasang naghahanapbuhay sa isang botika at may kasanayan sa tamang pagtitimpla ng mga gamot.