Ang
dihestiyon,
pagtunaw ng pagkain, o
pagtunaw ng kinain ay ang proseso ng
metabolismo kung saan pinoproseso ng isang entidad na
biyolohikal ang isang sustansiya upang mapalitan ito sa
kimikal at
mekanikal na pamamaraan para magamit ng
katawan. Ito ang pagpapalit ng pagkain upang maging isang anyong nagagamit para bigyan ng sustansiya at palakasin ang katawan. Sa pamamagitan ng dihestiyon, nagiging mas payak ang anyo ng mga karbohidrato,
protina, at
taba habang dumaraan o nasa loob ng
bibig,
tiyan, at
maliit na bituka.