Ang
relihiyon ay isang kalipunan ng mga sistemang paniniwala, mga sistemang kultural at pananaw sa daigdig na nag-uugnay ng sangkatuhan sa
espiritwalidad at minsan ay sa
moralidad. Ang maraming mga relihiyon ay may mga
mitolohiya, mga simbolo, mga tradisyon at mga sagradong kasaysayan na nilalayon na magbigay kahulugan sa buhay o ipaliwanag ang
pinagmulan ng buhay o
sansinukob. Ang mga ito ay humahango ng mga
moralidad,
etika, mga batas relihiyoso o pamumuhay mula sa mga ideya nito ng kosmos at kalikasan ng tao. Tinatayang may mga 4,200 relihiyon sa mundo sa kasalukuyan. Ang karamihan ng mga relihiyon ay may organisadong mga pag-aasal, pinuno(gaya ng kaparian at pastor) o tagapagtatag, isang depinisyon ng kung ano ang bumubuo sa pagiging kasapi o pagsunod dito, mga banal na lugar at
mga kasulatang relihiyoso. Ang pagsasanay ng relihiyon ay kinabibilangan rin ng mga ritwal, mga sermon, mga pag-alaala o benerasyon ng isang
diyos, mga diyos o mga
diyosa, mga paghahandog, mga pista, mga transiya, mga inisiasyon, mga puneral, mga
matrimonyo, meditasyon, panalangin, musika, sining, sayaw, o iba pang mga aspeto ng kultura ng tao.