Ang
ugali ay tumutukoy sa gawain ng isang nilalang o bagay, partikular na ang ng mga
tao o maging ng mga
hayop. Tumutukoy ito sa mga nagiging
asal o
kaasalan at
katangian o
karakter ng isang indibdwal sa kaniyang kapwa, na nagiging sanhi at batayan ng mga
kaugalian o
kostumbre, mga
gawi,
wani o
kinagawian, at
kilos na nagbubunga sa mga paniniwala, pananaw at maging pananampalataya ng mas marami pang bilang ng mga mamamayan o kalipunan ng mga tao. At nakakapagbigay din ng impluho sa mga
istilo,
moda,
uso at
kalakaran sa buhay ng mga katulad, kaugnay na mga tao, o sa iba pang mga mamamayan ng isang pook o maging sa ibang panig ng mundo. Halimbawa nito ang pagiging magsing-ugali o magsing-asal ng mga kasapi sa isang pamilya, angkan, o kaya sa bansa. Naaayon ang ugali sa
kinapamihasnan o
kinahiratihan ng mga mamamayan, na nagbibigay daan din sa pagkakaroon ng
kalinangan o
kultura. Sa Pilipinas, nakaugalian na ang
paghalik sa kamay ng matatanda o
pagmamano.