Ang
Panerosoiko (Ingles:
Phanerozoic (British English
Phanærozoic) ang kasalukuyang eon na heolohiko ng daigdig at ang isa na kung saan ang mga masaganang buhay na hayop ay umiral. Ito ay sumasakop sa tinatayang 542 milyong taon ang nakakalipas at bumabalik sa panahon na ang diberso may matigas na shell na mga hayop ay unang lumitaw. Ang pangalang ito ay hango sa Griyegong at na nangangahulugang makikitang buhay dahil minsang inakala na ang buhay ay nagsimula sa
Kambriyano na unang panahon ng eon na ito. Ang panahon bago ang Panerosoiko na tinatawag na
Prekambriyanong superon ay nahahati ngayon sa mga eon na
Hadean,
Arkeyano at
Proterosoiko. Ang sakop ng panahon ng Panerosoiko ay kinabibilangan ng mabilis na paglitaw ng isang bilang ng mga
phyla ng hayop, ang
ebolusyon ng mga phylum na ito sa mga diberso o iba ibang anyo; paglitaw ng mga
halamang pang-lupain at pag-unlad ng mga komplikadong halaman;
ebolusyon ng
isda; paglitaw ng mga
hayop na pang-lupain at ang pag-unlad ng mga modernong
fauna. Sa panahong sakop, ang mga kontinente ay lumipat at kalaunan ay natipon sa isang masa ng lupain na tinatawag na
Pangaea at pagkatapos ay nahati sa kasalukuyang mga masa ng lupaing pang-kontinente. meaning
visible life, since it was once believed that life began in the
Cambrian,