Depende sa
relihiyon, ang
pananampalataya ay isang paniniwala sa isang
diyos o mga diyos o sa mga doktrina o mga katuruan ng isang relihiyon. Ang hindi pormal na paggamit ng pananamapalataya ay maaaring kabilangan ng
pagtitiwala o
paniniwala ng walang patunay o pruweba. Ang pananampalataya ay kadalasang hinahalili para sa "pag-asa", "pagtitiwala" o "paniniwala". Ang ilang mga hindi mananampalataya ng isang pananampalataya ay nangatwirang ang pananampalataya ay salungat sa
katwiran. Salungat dito, ang ilang mga mananampalataya ng pananampalataya ay nangatwirang ang angkop na sakop ng pananampalataya ay nauukol sa mg atanong na hindi malulutas ng ebidenensiya. Ito ay hinahalimbaw ng mga saloobin tungkol sa hinaharap na sa depinisyon ay hindi pa nangyayari.