Ang
peminismo ay isang paniniwala na kailangang may patas na pampolitika,
panlipunan, sekswal, pangkaisipan at ekonomikong karapatan ang mga
kababaihan sa
kalalakihan. Napapaloob dito ang iba't ibang mga kilusan, hinuha, at mga
pilosopiya, at lahat ng may kinalaman sa mga usapin sa pagkakaiba ng
kasarian, na nagtataguyod sa pagkapantay-pantay para sa mga kababaihan at ang kapanya para karapatan at interes ng mga kababaihan. Sang-ayon sa ilan, nahahati ang kasaysayan ng peminismo sa tatlong yugto. Nagsimula ang unang yugto noong ika-19 siglo at unang bahagi ng ika-20 siglo, noong dekada 1960 hanggang dekada 1970 ang ikalawang yugto, at nagpapatuloy ang ikatlong yugto mula dekada 1990 hanggang sa kasalukuyan.