Ang
tulog ay isang kalagayan ng pagpapahinga, na nagaganap sa mga
hayop, kasama ang mga
tao. Ang mga hayop na natutulog ay nasa isang katayuan ng walang
kamalayan, o karamihan sa kanila. Karamihan sa mga
masel na nakukontrol na may layunin o sinasadya ng mga hayop ay hindi masigla o hindi aktibo (hindi gumagalaw o hindi gumagana). Ang natutulog na mga hayop ay hindi tumutugon sa
istimulo na kasingbilis ng kapag gising sila. Mas madaling nababaliktad ang tulog kaysa
hibernasyon o koma. Natutulog ang lahat ng mga
mamalya at mga
ibon, at maraming mga
reptilya,
amphibian, at mga
isda. Sa mga tao, iba pang mga mamalya, at karamihan sa iba pang mga hayop na pinag-aralan, ang madalas na pagtulog ay kailangan upang makaligtas o mabuhay, ngunit ang tiyak na layunin nito ay hindi pa malinaw at kinakailangan pa nito ang higit na pananaliksik. Nakasisiya rin ang pagtulog. Tinatawag na
himbing ang malalim na pagtulog, bagaman tumutukoy din ang
himbing sa letarhiya.