Ang
Paghalik sa kamay ay isang ritwal ng pagbati at pagbigay galang. Inuumpisan ito ng taong tatanggap ng pagbati sa pamamagitan ng pagharap ng kamay na nakababa ang palad. Ang hahalik na tao ay yuyuko ng malapit sa kamay at dadampian ng labi ito habang maingat na hinahawakan ang kamay. Hindi kailangang dumampi ang mga labi sa modernong tradisyon. Ang pagbating ito ay sandali lamang at tumtatagal ng hindi hihigit sa isang segundo. Sa kulturang Pilipino, ang paghalik sa kamay ng matatanda ay simbolo ng pagbigay galang. Ito rin ay ginagamit sa pagbibigay galang sa matatanda sa
Turkey. Dito, ang bumabati ay nilalapit ang kamay na inabot sa kaniyang noo.