- Huwag itong ikalito sa kakayahan.
Ang
pagkatao,
katauhan o
persona, sa isang kolokyal na pananalita, ay kadalasang kasingkahulugan ng
tao. Gayon man, sa
pilosopiya, mayroong mga pakikipagtalo sa tumpak na kahulugan at tamang gamit ng salita, at kung anong pamantayan ang gagamitin para sa kahulugan ng
pagkatao. Sa nakaraang mga dekada, maraming sikolohista ang nagsikap na magkaroon ng konkretong depinisyon ng
kakaniyahan o pagkatao. Subalit sina Larsen & Buss (2008) ay nakapagbuo ng isang pangungusap na nasasakop ang mga importanteng aspetong kakaniyahan. Ayon sa kanilang kahulugan, ang
personalidad ay isang pangkat ng mga gawi o mga katangiang pangsikolohiya at mga mekanismo sa loob ng indibidwal na isinaayos at kung tutuusin ay nagtatagal at nakakaimpluwensiya sa kanyang mga pakikipag-ugnayan o pakikisalamuha sa, at pakikibagay o pag-akma sa mga kapaligirang intrasikiko, pisikal, at panlipunan (Larsen & Buss, 2008).