- Tungkol ang artikulong ito sa pangkalahatang kahulugan ng takot. Para sa matinding takot, tingnan ang Pobya.
Ang
takot ay isang pang-
emosyon na tugon sa mga banta at panganib. Ito ang pangunahing mekanismo sa pagkaligtas ng buhay na nagaganap bilang tugon sa partikular na estimulo, katulad ng
sakit o ang banta ng sakit. Iminungkahi ng mga
sikologong sina John B. Watson, Robert Plutchik, at Paul Ekman na isa ang takot sa isang pangkat ng mga pangunahin o likas na emosyon. Kabilang sa mga pangkat ng mga emosyong ito ang
kaligayahan,
kalungkutan at
galit. Naiiba ang takot mula sa kaugnay na katayuang pang-emosyon ng
pagkabahala, na karaniwang nangyayari na walang kahit anumang panlabas na panganib. Karagdagan pa nito, may kaugnayan ang takot sa mga partikular na ugali ng pagtakas at pag-iwas, datapuwa't ang pagkabahala ay resulta ng mga banta na nakikita bilang hindi maiwasan o hindi mapigilan.