- Ang artikulong ito ay tungkol sa pag-ibig bilang emosyon. Tingnan ang Pag-IBIG Fund para sa impormasyon tungkol sa organisasyong pabahay ng gobyerno ng Pilipinas.
Ang
pag-ibig ay maraming kahulugan mula sa ilang bagay na nagbibigay konting ligaya ("naibigan ang isang pelikula") hanggang sa pagbuwis ng buhay (
pagkabayani). Maaari na isang masidhing damdamin ng pagtingin ang kahulugan nito, isang
emosyon o nasa estado ng emosyon. Sa pangkaraniwang gamit, madalas na tumutukoy ito sa interpersonal na pagmamahal. Marahil sa malaking kaugnayan nito sa
sikolohiya, karaniwang tema ito sa
sining. Mayroong kuwentong pag-ibig ang karamihan sa modernong mga
pelikula at tungkol din sa pag-ibig ang karamihan sa mga awiting sikat o
musikang pop.