- Tungkol ito sa pag-aalsa ng mga mamamayan. Para sa lebadura, pumunta sa pampaalsa.
Ang
himagsikan o
panghihimagsik (Ingles:
insurrection,
revolution,
rebellion,
revolt) ay ang tumutukoy sa
pag-aalsa o
pagrerebelde ng taumbayan laban sa pamahalaan dahil sa pagtutol o pagtanggi sa pamamalakad ng mga awtoridad o mga may katungkulan. Maaari rin itong tumukoy sa isang mahalagang sandali na makapagbabago sa sitwasyong pulitikal ng isang bansa. O kaya, sa pag-agaw ng mga nag-alsa sa kapangyarihan ng namumuno ng pamahalaan. Tinatawag din itong
rebolusyon o
rebelyon dahil kaugnay ito ng marahas na pagsuway at maparaan o organisadong paglaban upang mapabagsak ang pamahalaan.