Ang
organisasyon,
kasapian,
asosasyon,
klab o
samahan (Ingles:
organization,
organisation,
club,
association) ay ang pangkat o grupong panlipunan ng mga tao na nagpapamahagi ng mga gawain para sa isang layuning pangsamasama, pinagsamasama, o tinipon-tipon. Ang salitang
organisasyon mismo ay hinango mula sa wikang Griyegong
organon, na hinango naman sa mas kilalang salitang
ergon - na nakikilala natin bilang "organo" - na may ibig sabihing isang kompartamento (pitak, silid, kuwarto, o bahagi) para sa isang partikular na gawain, trabaho, o hanapbuhay. Ang "organisasyon" ay kaugnay ng salitang "pagtatatag". Halimbawa nito ay ang
World Trade Organization (WTO, ang Samahan nang Pandaidigang Pangangalakal). Ang mga pamahalaan ay nakapagtatayo ng mga organisasyon.