Ang
oksiheno o
oksihena (,
Ingles:
oxygen) ay isang
elemento. Ang simbolo nito ay
O at nagtataglay ng
bilang atomiko na 8. Ang oksihena ay walang amoy, walang lasa, at hindi
metaliko. Kailangan ito upang makalikha ng
apoy at magkaroon ng reaksyon sa mga metalikong elemento para lumikha nang mga pangunahing oxide. Ginagamit ito sa welding, hinahalo ito sa acetylene upang makagawa ng napakainit na apoy. Ginagamit din ito sa mga space rockets, ito ay ginagawang gasolina upang matulungan itong lumipad nang mataas. Ang oksiheno rin ay mahalaga sa paggawa ng apoy. Kung wala ito, hindi makakagawa ng apoy. Ang importanteng pangkat-atomiko (
molecule) ng Oksiheno ay ang
Ozone, ito ay tumutulong sa pagpigil sa ultraviolet na sinag.