Ang
itlog ng babae,
obum, o
oba (Ingles:
ovum kung isahan, na nagiging
ova kapag maramihan) ay ang haploid na selula o
gameto ng
sistemang reproduktibo ng babae. Ang parehong mga hayop at
embryophyte ay may ova. Ang salitang ovule ay ginagamit para sa batang ovum ng hayop gayundin sa istraktura ng
halaman na nagdadala ng gametophyte ng babae at selulang itlog at nabubuo sa isang buto pagkatapos ng
pagpupunlay. Sa mas mababang uri ng mga halaman at
algae, ang obum ay tinatawag ring oospero o
oosphere.