Ang
pagtatalik,
pagsisiping, o
pag-uulayaw, ayon sa biyolohikal na kahulugan, ay isang pamamaraan ng isang
babae at ng isang
lalaki upang makabuo ng kanilang magiging
supling sa
pamamagitan ng kanilang mga ari. Sa
Tanakh at sa
Bibliya, ginamit ang salitang
nakilala (o sumiping), kung kaya't ang proseso ng pagtatalik ay ang
pagkilala ng lalaki sa kaniyang asawa, gayon din ng babae sa kaniyang esposo. Ang pamamaraang pisikal na ito ay ang pagsiping at pagniniig ng diwa, isipan, katawan at puso na bunga ng pagmamahalan ng dalawang
tao. Ang pagkakaroon ng
anak ang resulta ng prosesong ito. Sa mabuting biro at makatang paghahambing, tinatawag din itong
"luto ng Diyos". - sa pabiro at makatang paraan - ang pagsisiping ng mag-asawa na may pagtatalik. Sa ibang kahulugan na bukod sa pakikipagtalik, nangangahulugan ang
pagsisiping ng pagtabi, pagpiling, at pagdais, katulad ng sa pagtulog, pag-upo, o paghiga.