Ang
mistisismo, mula sa
Griyego na μυω (
muo, "nakalihim") ay ang pagpapatuloy ng pagtamo ng komunyon o pagkilanlan sa, o ang kamalayan sa, pangwakas na realidad, ang
banal,
espirituwal na katotohanan, o
Diyos sa pamamagitan ng direktang karanasan, intwisyon, o pansariling pananaw; at ang paniniwala sa ganoong karanasan ay isang mahalagang pinagkukunan ng kaalaman o kaunawaan. Maaaring masangkot ang isang paniniwala sa pagkakaroon ng mga realidad na hindi sakop ng madaliang perseptwal na aprehensyon, o isang paniniwala ng totoong persepsyon ng mundo na dumadako sa hindi sakop ng intelektwal na aprehensyon, o na ang 'pagiging mayroon' ang gitna ng lahat ng persepsyon.