Ang mineralohiya ay ang pag-aaral ng mga mineral na pangunahing materyal na bumubuo sa mga bato. Ang mga mineral ay mga likas na nabubuong solido (inorganiko) na may kahanayang panloob (strukturang atomiko) at tiyak na komposisyong kemikal. Kapag ang salitang mineral ay ginagamit ng mga heologo, ang tanging mga bagay lamang na nagtataglay ng lahat ng mga nabanggit ang maituturing na mineral. Halimbawa, ang mga sintetikong diamante, ang mga bagay na ginagawa ng mga kimiko ay hindi maituturing na mga mineral. At tulad ng unang nabanggit, hindi maituturing na mineral ang batong-hiyas na opal (isang mineraloid), dahil ito ay walang kahanayang struktura.