Ang
mikroskopyo o
mikroskopiyo o
mikroskopo (mula sa wikang
Griyego: (
micron) = maliit + (
skopein) = tingnan ang) ay isang instrumento para sa pagtingin o pagsilip ng mga bagay na masyadong maliit para makita ng mga mata lamang o hindi-tinutulungang mga
mata. Tinatawag na mikroskopiya ang
agham ng pagsusuri ng mga maliliit na bagay na ginagamitan ng ganitong kagamitan. Nangangahulugan ng masyadong maliit at hindi nakikita ng mata kung hindi tutulungan ng mikroskopyo ang salitang
mikroskopiko. May halos 400 taon na ang kasaysayan nang simulang gamitin ang mga mikroskopyo sa mga paaralan at mga tahanan.