Ang isang
meteorita ay isang natural na bagay na nagmumula sa panlabas na kalawakan na nakaligtas sa pagbangga sa ibabaw ng
mundo. Ang sukat ng isang meteorita ay maaaring may saklaw na mula maliit hanggang sukdulang malaki. Ang karamihan ng mga meteorita ay hango sa mga maliliit na mga bagay astronomikal na tinatawag na mga
meteoroid ngunit ang mga ito ay maaari ring nalilikha ng mga pagbangga ng mga
asteroid. Kapag ang isang
meteoroid ay pumasok sa
atmospero, ang mga pang-
priksiyon,
presyur at mga interaksiyong kemikal sa mga gaas na atmosperiko ay nagsasanhi sa katawang ito na uminit at maglabas ng liwanag at kaya ay bumubuo ng isang bolang
apoy na tinatawag ring
meteor o bumabagsak ng bituin. Ang terminong
bolide ay tumutukoy sa isang katawang hindi galing sa mundo na bumangga sa mundo o sa isang eksepsiyonal na maliwanag na tulad ng bolang apoy na meteor kahit pa ito ay huling bumabangga sa ibabaw. Sa pangkalahatan, ang isang meteorita sa ibababaw ng anumang katawang pangkalawakan ay isang natural na bagay na nagmula sa iba pang lugar sa kalawakan. Ang mga meteorita ay natagpuan sa
buwan at planetang
Mars. Ang mga meteoritang narekober pagkatapos mapagmasdan habang ito ay dumadaan sa atmospero o bumangga sa mundo ay tinatawag na mga
fall. Ang ibang mga meteorita ay alam bilang mga natagpuan. Simula 2010, may tinatayang mga 1,086 na napagmasdang pagbagsak(falls) na may mga specimen sa mga koleksiyon ng mundo. Salungat dito, may higit sa 38,660 na mahusay na nadokumentong mga natagpuang meteorita. Ang mga meteorita ay tradisyonal na hinahati sa tatlong mga malalawak na kategorya: ang mga mabatong meteorita ay mga bato na pangunahing binubuo ng mga mineral na silikata; an mga bakal na meteorita ay malaking binubuo ng metalikong
bakal-nickel; at ang mabato-bakal na mga meteorita na naglalaman ng malalaking mga halaga ng parehong metaliko at mabatong materyal. Ang mga modernong skemang klasipikasyon ay naghahati ng mga meteorita sa mga pangkat ayon sa istraktura nito, kemikal at
istopikong komposisyon nito at
mineralohiya.