Ang
mekaniko ay isang tao na may kalaman at kakayahang sumuri ng mga sasakyan, panlupa, pandagat o panghimpapawid man. Sa
Pilipinas, karaniwang pinapatungkulan nito ang mga may kakayahang magkumpuni sa panlupang sasakyan tulad ng kotse, bus at mga trak. Kanyang tungkulin na alamin ang bahagi ng sasakyan na hindi gumagana, ang dahilan sa anomalyang nabanggit at kung paano ito maaayos. Sa kanyang pagaayos, maaaring kanyang kumpunihin ang bahagi o parte ng sasakyan na hindi gumagana ng maayos o kaya naman ay palitan ito. Maaring siya ay gumagawa sa isa lamang natatanging bahagi ng isang sasakyan o sa isang natatanging modelo. Karamihan sa kanila, sa kabilang banda, ay may malawak na kaalaman sa ibat ibang aspekto ng pangungumpuni.