Sa
matematika, partikular na sa
diperensiyal na heometriya at
topolohiya, ang
manipoldo(manifold) ay isang topolohikal na espasyo na sa sapat na maliliit na iskala(scale) ay humahawig sa
espasyong Euclidean ng isang spesipikong
dimensiyon na tinatawag na dimensiyon ng manipoldo. Samakatuwid, ang isang
linya at isang
bilog ay isang dimensiyonal na manipoldo, ang
plano at
spero(surpasiyo ng isang bola) ay mga dalawang dimensiyonal na manipoldo at iba pa hanggang sa espasyong mataas na dimensiyonal. Sa mas pormal na depinisyon, ang bawat punto ng
n-dimensiyonal na manipoldo ay may kapitbahay na homoemorpiko sa bukas na ilalim na hanay(open subset) ng
n-dimensiyonal na espasyong
Rn.