Ang
abogado,
abugado,
manananggol o
tagapagsanggalang(sa Ingles ay lawyer, attorney o defender) ay isang taong pinagkalooban ng lisensiya upang makapagbigay ng payong legal, at para kumatawan sa isang kliyente sa loob ng hukuman o korte. Isa itong taong maalam at nag-aral ng
batas, kinatawan o taong kumakatawan sa batas (
attorney at law sa Ingles), tagapagtanggol o tagapayo (konseho), o solisitor (punong opisyal na pambatas), at isang taong may lisensya upang magkasakatuparan ng batas. Ang batas ay isang sistema ng mga panuntunan ng kaasalang inilunsdad ng namumunong
pamahalaan ng isang lipunan upang magwasto ng mga kamalian, magpanatili ng katatagan, at magdala ng
katarungan. Kasama sa hanapbuhay ng pagiging isang manananggol ang kapaki-pakinabang na paggamit at pagpapairal ng abstraktong (baliwag o basal) mga teoriyang legal at kaalaman upang matugunan ang isang tinutukoy na mga suliraning pang-isang tao, o pasulungin ang mga kanaisan ng nagpapanatili o umuupa ng mga abugado upang magsakatuparan ng mga tungkulin o serbisyong pambatas o nasa batas.