Ang isang
mambubulo,
tagabulo,
tagapagbulo, o
polinador (Ingles:
pollinator) ay isang ahente o bektor na biyotiko na naglilipat ng
bulo magmula sa panlalaking mga anther ng isang
bulaklak papunta sa pambabaeng karpel o istigma ng isang bulaklak upang maisakatuparan ang
pertilisasyon (
syngamy sa Ingles) ng pambabaeng
gameto sa loob ng obyul ng bulaklak sa pamamagitan ng panlalaking gameto na nagmula sa butil ng bulo. Bagaman napagkakalituhan, ang isang polinador ay kaiba mula sa isang
polenisador (binabaybay ding polinisador, o tagapagpolinisa) na isang halaman na pinanggagalingan o napagkukuna ng bulo para sa proseso ng
polinisasyon.