Ang mga
mamalya ang mga kasapi ng klaseng
Mammalia. Ito ay mga
bertebrado na inilalarawan ng pagkakaroon ng
glandulang mamarya na nagpapahintulot sa paglikha ng
gatas para sa mga
kababaihan upang magkaroon ng pagkain ang supling, ang pagkakaroon ng tatlong mga gitnang mga buto ng tenga, ang pagkakaroon ng
buhok o
balahibo at pagkakaroon ng mga endotermikong katawan (
mainit na dugo). Kinokontrol ng neokorteks ng
utak ng mga ito ang mga endotermiko(mainit na dugo) at
sistemang sirkulatoryo na nagpapakita ng mga selulang pulang dugo na walang mga
nukleyus ng selula at isang
puso na may apat na silid (
chamber). Ang karamihan ng mga mamalya ay nag-aangkin rin ng mga glandula ng pawis at espesyalisadong mga
ngipin. Ang pinakamalaking pangkat ng mga mamalya na
mga placental ay may isang
placenta na nagpapakain ng mga anak nito sa hestasyon. Ang mga mamalya ay may sukat mula 30–40 millimetro(1- to 1.5-pulgada) gaya ng paniking bumblebee hanggang sa 33 metro(108 talampakan) balyenang asul. Ang salitang "mammal" ay modernon mula sa pangalang siyentipiko na
Mammalia na inimbento ni Carl Linnaeus noong 175 na hinango sa Latin na mamma(utong, suso). Ang lahat ng mga babaeng mamalya ay nagpapakain ng mga batang supling nito ng gatas na inilabas sa glandulang mamarya. Ayon sa Mammal Species of the World, ang 5,702 espesye ng Mammalia ay alam noong 2005. Ang mga ito ay ipinangkat sa 1,229 henera, 153 pamilya, at 29 orden. Noong 2008 kinumpleto ng IUCN ang isang limang taong may 17,000 siyentipiko para sa Pulang Talaan ng IUCN na bumilang ng mga 5,488 espesyse sa wakas ng panahong ito. Sa ilang mga klasipikasyon, ang mga mamalya ay nahahati sa dalawang mga subklase(hindi kabilang ang mga
fossil): ang Protheria(orden ng mga
monotreme) at ang
Theria na binubuo ng mga impraklaseng Metatheria at
Eutheria. Ang mga
marsupial ay binubuo ng pangkat korona ng Metatheria at kaya ay kinabibilangan ng lahat ng mga nabubuhay na metatherian gayundin ang mga ekstinkt nito. Gayundin, ang
Eutheria(mga placental) ay binubuo ng pangkat korona ng Eutheria. Maliban sa limang espesye ng mga
monotreme na nangingitlog, ang lahat ng mga nabubuhay na mamalya ay nanganganak ng buhay na supling. Ang karamihan ng mga mamalya kabilang ang anim na pinakamayaman sa espesyeng mga ordern ay kabilang sa pangkat placental. Ang tatlong pinakamalalaking order sa pagkakasunod sunod na pababa ang
Rodentia(mgga
maliit na daga,
daga, mga porcupine, mga
beaver, mga
capybara at mga ngumunguyang mga mamalya),
Chiroptera(mga
paniki) at ang Soricormpha(mga
shrew, mga
mole at mga solendon). Ang tatlong pinakamalalaking mga order na depende sa klasipikasyong ginagamit ang mga
primado na kinabibilangan ng mga
tao, ang Cetartiodactyla (na kinabibilangan ng mga ungguladong may paang even at mga
balyena) at ang
Carnivora(mga
pusa, mga
aso, mga
weasel, mga
oso, mga
seal at mga kamag-anak nito). Bagaman ng klasipikasyon ng mga mamalya sa lebel na pamilya ay relatibong matatag, ang mga iba ibang pagtrato sa mas mataas na mga lebl na subklase, impraklase at ordern ay lumilitaw sa mga panitikang magkakasabay lalao na para sa mga marsupyal. Ang karamihan ng mga kamakailang pagbabago ay nagrereplekta sa mga resulta ng analisis na kladistiko at henetikang molekular. Ang mga resulta mula sa henetikang molekular halimbawa ay tumungo sa pagggamit ng mga bagong pangkat gaya ng Afrotheria at ang paglisan sa mga tradisyonal na pangkat gaya ng
Insectivora. Ang mga sinaunang ninuno ng mga mamalya na
synapsida ang mga
sphenacodont na
pelikosauro na isang pangkat na kinabibilangan rin ng
Dimetrodon. Sa wakas ng panahong
Karboniperoso, ang pangkat na ito ay nag-
diberhente mula sa linyang
sauropsida na tumungo sa mga kasalukuyang nabubuhay na mga
reptilya at
ibon. Ito ay pinangunahan ng maraming mga dibersong pangkat ng mga hindi mamalyang synapsida(na minsang tinutukoy na mga tulad ng mamalyang reptilya) at ang mga unang mamalya ay unang lumitaw sa era na Simulang
Mesosoiko. Ang mga modernong ordern ng mammalia ay lumitaw sa mga panahong
Paleohene at
Neohene ng era na Cenosoiko.