Ang
lipunan ay isang pangkat ng
mga tao na binibigyan ng katangian o deskripsiyon sa mga huwaran ng mga pagkakaugnay ng bawat isa na binabahagi ang naiibang
kultura at/o mga institusyon. Mas malawak, isang
ekonomika, panlipunan at imprastrakturang industriyal ang lipunan, na binubuo ng isang magkakaibang maraming tao. Maaaring magkakaiba ang mga kasapi ng isang lipunan mula sa iba't ibang mga
pangkat etniko. Maaaring isang partikular na pangkat etniko ang isang lipunan, katulad ng mga
Saxon, isang
estadong bansa, katulad ng
Bhutan, o sa mas pinalawak pang grupo, katulad ng Kanlurang lipunan.