Ang
Linguistika,
linggwistika o
palawikaan ang pag-aaral sa
wika ng tao at tinatawag na isang
linguista o
linggwista ang mga dalubhasa dito. Maaaring isadiwa ang pag-aaral ng linguistika sa tatlong malalaking aksis, isinisalarawan ang kanyang mga dulo ng sumusunod:
Pagsusuri sa palawikaan
- Sinkronika at diakronika (synchronic and diachronic) - Binabahala ng sinkronika na pag-aaral ng wika ang kanyang anyo sa isang bigay na sandali samantala sinasakop ng diakronika na pag-aaral ang kasaysayan ng isang (grupo ng) wika at ang pagbabago ng kayarian sa palipas ng panahon.
- Teoretiko at nilapat - Binabahala ng linggwistikang teoretiko ang mga framework para isalarawan ang kanya-kanyang wika at teoriya tungkol sa unibersal na aspekto ng wika samantala ang nilalapat ng linggwistikang nilapat ang mga teoriyang ito sa ibang larangan.
- Kontekstwal at malaya - Binabahala ng linggwistikang kontekstwal kung papaano iangkop ang wika sa mundo: ang kanyang tungkulin sa lipunan, paano ito nakuha, paano ito nilikha at namataan. Binabahala naman ng malayang linggwistika ang wika para sa kanyang sariling kapakinabangan, maliban sa panlabas na kaugnay na wika.